Usad ng mga sasakyan sa España, mabagal dahil isinasagawang bar exam sa UST

Manila, Philippines – Mabagal ang usad ng mga sasakyan mula Rotonda patungong Quiapo dahil sa nagpapatuloy ang isinasagawang bar exam sa UST ngayon araw.

Mahigpit naman ang seguridad sa paligid ng naturang unibersidad kung saan mahigit 700 mga pulis ang nakakalat ngayon upang matiyak na walang anumang kaguluhan na mangyayari sa naturang pagsusulit

Tiniyak naman ng MPD District Director Chief Supt Joel Coronel na ligtas ang mga estudyante na kukuha ng Bar Exams dahil naka deploy ang sangkaterbang pulis sa paligid ng UST.


Nagbanta rin ang heneral sa mga nagpaplano na maghasik ng kaguluhan na mayroon kaakibat na parusa at pagkakakulong ang kanilang kakaharapin kapag itinuloy nila ang kanilang mga masamang pakay.

Facebook Comments