USAD PAGONG | Lagay ng trapiko sa Baguio, tukod dahil sa Panagbenga Festival

Baguio City – Dinagsa ng mga tao ang mga rutang dinaanan ng parade para sa highlight ng 23rd Panagbenga ngayong taon.

Ayon sa PNP-Baguio, ito ang dahilan kung bakit bumigat ang daloy ng trapiko ng ilang oras.

Pinangunahan naman ni Presidential Political Adviser Francis Tolentino ang nasabing event bilang opisyal na kinatawan ni Pangulong Rodrigo Duterte.


Maliban sa parada ng mga float na puno ng mga bulaklak, tampok din kanina ang street dancing.

Una nang sinabi ng lokal na pamahalaan ng Baguio City na inaasahang aabot sa isang milyon ang bilang ng mga foreign at local tourist na dadayo sa lungsod ngayong weekdend dahil sa nasabing festival.

Facebook Comments