USAID, tiniyak na tututok sa mga mangingisda sa West Philippine Sea ang MOA na nilagdaan nila sa RMN Foundation

Pangunahing sesentro sa kapakanan ng mga mangingisda sa West Philippine Sea ang memorandum of agreement (MOA) ng RMN Foundation at ng United States Agency for International Development o USAID.

Ayon kay USAID Fish Right Program Chief of Party Nygel Armada, sa pamamagitan ng kanilang radio drama program sa RMN AM at FM stations, mapo-protektahan ang mga mangingisda at dadami ang kanilang magiging huli.

Tiniyak din ni Ginoong Armada na maging ang consumers o ang publiko ay mabebenipisyuhan din ng kanilang ilulunsad na radio show sa RMN Networks.


Ang RMN Foundation at ang USAID ay tatlong taon nang magkatuwang sa pagprotekta sa sambayanang Pilipino at asahan pa ang pagpapatuloy ng kanilang partnership.

Facebook Comments