*Cauayan City, Isabela- *Nilinaw ni Sangguniang Panlungsod Edgardo Atienza na hindi umano ipinatigil ng City Government ang pagpapalibing sa lumang sementeryo dito sa Lungsod ng Cauayan upang gamitin ang lote para sa ibang bagay.
Aniya, wala umanong katotohanan ang mga haka-haka ng ilang mamamayan na may ibang plano ang Pamahalaang Panlungsod na umano’y gagawing Commercial area ang naturang sementeryo kaya’t ipinatigil ang pagpapalibing dito.
Hindi rin umano nila basta-bastang alisin ang mga nitso sa naturang sementeryo kung walang paabiso at kung hindi papayag ang pamilya ng mga nakalibing.
Ipinatigil na umano ng City Government ang paglilibing sa lumang sementeryo dahil siksikan na ang mga nitso at hindi na rin makadaan ng maayos ang mga makikilibing o dadalaw sa kanilang yumaong miyembro ng pamilya.
Sa ngayon ay mayroon ng bagong sementeryo ang Lungsod ng Cauayan na naka base sa Brgy. San Francisco na kasalukuyan ng pinaglilibingan sa mga yumaong Cauayenos.
Ayon pa kay Councilor Atienza, Iniisip lamang umano ng Pamahalaang panlungsod ang kagandahan at kalagayan ng mga maililibing upang mabigyan ang mga ito ng maayos at magandang libingan.