USAPANG PANGKAPAYAPAAN | ASG subleader at syam na miyembro nito, sumuko sa militar sa Basilan

Basilan – Sumuko sa tropa ng 64th Infantry Battalion ng Philippine Army ang isa sa sub leader ng Abu Sayyaf Group (ASG) at syam nitong mga followers sa Barangay Tumahubong, Sumisip, Basilan kahapon.

Ayon kay LTC Gerry Besana ang tagapagsalita ng AFP Western Mindanao Command ang sumukong ASG sub leader ay si Bobong Mastul alyas Bobong, habang ang mga miyembro nito ay kinilalang sina Atotong Sarahadil alyas Atotong, Mudzrie Salahudin Jabbon alyas Mudzrie, Sapwan Kapitan Aliman alyas Sapwan, Nassir Jaid Tahil alyas Bola, Hair Tiglama Kawakibon alyas Abbang, Adeh Kawakibon alyas Abu Muadz, Rubin Ikih, Aminin Baliyong alyas Apik, at Suedin Muril alyas Kubing.

Isinuko rin ng mga terorista ang kanilang tatlong m16 rifles, isang m79 grenade launcher, isang ingram sub-machine pistol, isang 5.56mm carbine, isang m1 Garand rifle, ibat-ibang magazines at ammunitions at mga communication equipment.


Sa ngayon nasa kustodiya ng 64 Infantry Battalion ang mga sumukong ASG para sa profiling, custodial debriefing, at proper documentation.

Facebook Comments