Manila, Philippines – Naging matagumpay ang backchannel talks sa pagitan ng gobyerno at National Democratic Front of the Philippines (NDFP).
Ayon kay NDFP Adviser at Communist Party of the Philippines Founding Chairman Jose Maria Sison, inaasahang maglalabas ng joint statement ang dalawang peace panels.
Sabi pa ni Sison, mula sa June 14 ay iniurong sa June 21 ang stand down agreement ng gobyerno at NDFP dahil naantala ang pagpayag ng korte na makabiyahe ang anim na NDFP consultants.
Ito ay sina Benito Tiamzon, Rafael Baylosis, Alan Jazmines, Randal Echanis, Vicente Ladlad, at Adelberto Silva.
Aniya, magkakaroon ng isang linggong stand down bago June 28 hanggang 30 na formal peace talks sa Oslo, Norway.
Facebook Comments