Manila, Philippines – Bukas pa rin ang Communist Party of the Philippines (CPP) na ituloy ang usapang pangkapayapaan sa gobyerno.
Ayon kay CPP Founder Jose Maria Sison, kaya patuloy ang pakikipaglaban ng mga komunista dahil mismong si Pangulong Rodrigo Duterte, PNP Chief Ronald Dela Rosa at Defense Secretary Delfin Lorenzana ay ayaw nang ituloy ang mapayapang pag-uusap.
Sinabi ni Sison, ang CPP, New People’s Army (NPA) na nasa ilalim ng National Democratic Front (NDF) ay nananatiling kumpiyansa sa mga posibilidad na maituloy pa ang peace talks at umaasang magbabago pa ang mga isip ni Duterte at kaniyang subordinates.
Pinuri rin ni Sison si Senate President Koko Pimentel dahil sa kaniyang pagsuporta na ituloy ang peace negotiations.
Facebook Comments