USAPANG PANGKAPAYAPAAN | CPP Founder Joma Sison, hinikayat muli ni Pangulong Duterte na umuwi ng Pilipinas

Manila, Philippines – Muling hinikayat ni Pangulong Rodrigo Duterte si Communist Party of the Philippines Founder Jose Maria Sison na umuwi sa Pilipinas para sa peace talk.

Sa kanyang talumpati sa change of command ng Presidential Security group sa Malacañang Park, tiniyak ng Pangulo na walang Aquino-style na assassination sa pag-uwi ni Sison sa bansa.

Ang tinutukoy ng Pangulo ay ang pag-uwi sa bansa ni dating Senador Ninoy Aquino na binaril ng nakatalikod sa Manila International Airport (MIA) noong August 1983.


Pero kapag wala aniyang nangyari sa usapang pangkapayapaan ay kanyang iiskortan si Sison sa airport para paalisin ng Pilipinas.

Facebook Comments