USAPANG PANGKAPAYAPAAN | CPP Founder Jose Maria Sison, iginiit na uuwi lamang siya ng Pilipinas kapag napirmahan ang peace agreement

Manila, Philippines – Iginiit ni Communist Party of the Philippines (CPP) Founder Jose Maria Sison kay Pangulong Rodrigo Duterte na uuwi lamang siya sa Pilipinas kung malalagdaan ang peace agreement sa pagitan ng gobyerno at ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP).

Ayon kay Sison, malugod niyang tinatanggap ang pagtiyak ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang kaligtasang makauwi ng bansa.

Nabatid na pinakiusapan ni Pangulong Duterte si Sison na umuwi para isulong ang peace talks sa bansa.


Siniguro rin ng Pangulo kay Sison na walang mangyayaring ‘Aquino-style’ assassination kung saan tinutukoy ang pagpatay kay dating Senador Ninoy Aquino noong 1983.

Facebook Comments