Manila, Philippines – Naniniwala si GRP Peace Panel Chair at Labor Secretary Silvestre Bello III na hindi sinsero ang CPP-NPA sa kanilang pangako sa usapan pangkapayapaan matapos na sunugin ng mga rebeldeng grupo ang heavy equipment sa Davao City.
Ayon kay Bello, wala nang dahilan pa upang ipagpatuloy ang usapang pangkapayapaan dahil tuloy-tuloy pa rin ang kanilang ginawang panghaharas ng NPA sa kanayunan.
Paliwanag ni Bello marami sana ang makikinabang sa mga programa ng gobyerno upang mapabilis ang pagdedeliber ng mga produkto pero natigil dahil sa ginagawang panghaharas ng mga rebeldeng grupong NPA.
Giit ng kalihim seryoso ang gobyerno sa kanilang pangako sa Peace Talks pero binalewala lamang ng mga rebeldeng NPA.
Facebook Comments