USAPANG PANGKAPAYAPAAN | Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio, nanindigang hindi dapat na mabigyan ng human rights protection ang mga rebeldeng komunista

Manila, Philippines – Nanindigan si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na hindi nararapat na mabigyan ng human rights protection ang mga rebeldeng komunista.

Ayon kay mayor Duterte-Carpio, matatapos lamang ang problema ng rebelyon sa bansa kung sinsero at tapat para sa kapayapaan ang panig ng mga komunista.

Humiling pa ang alkalde Sara sa kanyang ama na si Pangulong Rodrigo Duterte na pag-isipang mabuti ang muling pagbabalik ng usapang pangkapayapaan sa CPP-NPA-NDF.


Facebook Comments