USAPANG PANGKAPAYAPAAN | DILG, may panawagan sa CPP-NPA-NDF kaugnay ng pagpapatuloy ng peace talks

Manila, Philippines – Nanawagan na rin ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa CPP-New Peoples Army (NPA)-NDF na itigil na ang paglulunsad ng iba’t-ibang uri ng karahasan sa bansa at ipakita ang tiwala sa gobyerno para sa pagpapatuloy ng peace talks.

Ayon kay DILG OIC Eduardo Ano, wala umanong saysay na ituloy ang peace talks kung maraming sibilyan at government forces ang namamatay dahil sa patuloy na kaguluhang gawa ng CPP-NPA-NDF.

Hiniling din ng DILG Chief sa CPP-NPA -NDF na itaguyod ang sinseridad ng pamahalaan at iba pa tulad ng Royal Norwegian Government at maraming miyembro ng House of Representatives na kapwa nananawagan kay Pangulong Rodrigo Duterte na muling buhayin ang peace talks.


Gayunman, sinabi ni Ano, mayroon man o walang peace talks , bukas ang Duterte Administration na tanggapin ang lahat ng rebelde na magsusuko ng kanilang armas at mamuhay ng malaya at tahimik sa lipunan.

Facebook Comments