Manila, Philippines – Nagsasagawa na ng backchannel negotiations ang government peace panel sa National Democratic Front (NDF).
Ang NDF ang umbrella organization na nagre-representa sa Communist Party of the Philippines (CPP) at ang guerrilla arm nitong New People’s Army (NPA).
Ayon kay Government Peace Panel Chairperson, Labor Secretary Silvestre Bello III, layunin nitong maisulong muli ang peace talks sa komunistang grupo sa lalong madaling panahon.
Dagdag pa ni Bello, makatutulong ang backchannel talks para makasunod sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na makabuo agad ng peace agreement sa kabilang panig sa loob ng 60 araw.
Inaasahan na aniya na magkakaroon ng mga pormal na pag-uusap sa mga susunod na araw.
Kumpiyansa si Bello na ang Gobyerno at NDF ay makakapagbuo ng kasunduan sa loob ng dalawang buwan.