USAPANG PANGKAPAYAPAAN | Government Peace Panel, umaasa pa ring maibalik ang peace talks sa pagitan ng gobyerno at NDF

Manila, Philippines – Naniniwala si Government Peace Panel Chief Negotiator Silvestre Bello III na posible pang manumbalik ang usapang pangkapayaan sa pagitan ng pamahalaan at National Democratic Front of the Philippines (NDFP).

Sa interview ng RMN Manila kay Bello, sinabi niyang kailangan lamang magpakita ng sinseridad ng makakaliwang grupo para mangyari ang inaasam na kapayapaan.

Pero sabi ni Bello, wala pa silang nakikitang pagbabago at mukhang hindi pa seryoso ang NDFP na bumalik sa negotiating table.


Una rito, hinihikayat ng mahigit animnapung mambabatas si Pangulong Duterte na muling buhayin ang Peace Talks.

Matatandaan, November 2017 kinansela ni Pangulong Duterte ang peace talks dahil sa patuloy na pag-atake ng mga rebelde laban sa pamahalaan.

Inilabas din ang proclamation no. 374 noong Disyembre 5, 2017 na nagdedeklara sa CPP-NPA na mga terorista.

Facebook Comments