Manila, Philippines – Hiling ni Communist Party of the Philippines (CPP) founding Chairman Jose Maria Sison na ituloy ni Pangulong Rodrigo Duterte ang usapang pangkapayapaan sa kanilang grupo.
Sa kaniyang naging New Year’s wish, sinabi ni Sison na dapat hayaan ng Pangulo ang pamahalaan at National Democratic Front (NDF) Peace Panels na masunod ang mga kasunduan sa social, economic at political reforms na siyang susi sa kapayapaan.
Sa kabila nito, kumbinsido si Sison sa pahayag na darating ang panahong titindig ang mamamayang Pilipino laban sa administrasyong Duterte.
Una nang sinabi ng CPP na target nilang pabagsakin ang Pangulo sa taong 2018 bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika – 49 na anibersaryo nito.
Facebook Comments