USAPANG PANGKAPAYAPAAN | Malacañang, tiniyak ang safe passage kay CPP Founder Jose Maria Sison

Manila, Philippines – Tiniyak ng Malacañang ang ligtas na pag-uwi ni Communist Party of the Philippines (CPP) sa Pilipinas.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, handa ang gobyerno na sagutin ang lodging expenses ni Sison sa pananatili nito sa bansa.

Nabatid na nagpahayag ng kahandaang umuwi ng bansa si Sison kasunod ng alok ni Pangulong Rodrigo Duterte na ituloy ang usapang pangkapayapaan ng gobyerno at mga rebeldeng komunista.


Facebook Comments