Manila, Philippines – Naniniwala si National Democratic Front of the Philippines (NDFP) Chief Political Consultant Jose Maria Sison na ang muling pagbuhay sa peace talks sa pagitan ng gobyerno at mga komunista ay kailangan para masolusyonan ang ilang mahahalagang isyu at reklamo.
Ayon kay Sison, tulad ng mga nagdaang proseso ng peace talks, ang magkabilang panig ay maaring iprisinta ang kanilang conflicting positions para mahanapan ng mutually acceptable grounds.
Binanggit din ni Sison na may pinagkasunduan na ang gobyerno at NDFP ukol sa Comprehensive Agreement on Social and Economic Reforms o CASER.
Mayroon na rin aniyang draft ng amnesty proclamation na magpapalaya sa lahat ng political prisoners.
Sinabi rin ni Sison ang draft tungkol sa kasunduang pagkakaroon ng coordinated unilateral ceasefire.
Kumpiyansa si Sison na kapag nagharap ang negotiating panels ng gobyerno at NDFP, matatagumpayan ang usapang pangkapayapaan.