USAPANG PANGKAPAYAPAAN | Norway, mananatiling third party facilitator ng peace talks ayon sa Malacañang

Manila, Philippines – Mananatiling third party facilitator ang Norway sa mga pag-uusap sa pagitan ng gobyerno at ng komunistang grupo.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, lahat ng partidong kasali sa mga nagdaang negosasyon ay maari pa ring sumama at magpatuloy.

Paglilinaw pa ni Roque, desidido ang Pangulo na ituloy ang peace talks at dapat sa Pilipinas ito gawin.


Sabi naman ni Presidenital Adviser on the Peace Process Jesus Dureza, nananatiling ‘patient, resilient at steadfast’ ang Norway sa pagtulong nito na makamit ang kapayapaan.

Facebook Comments