Manila, Philippines – Makikipag-meeting si Pangulong Rodrigo Duterte ngayong araw kina Senate President Koko Pimentel at House Speaker Pantaleon Alvarez para pag-usapan ang panukalang Bangsamoro Basic Law (BBL).
Ayon kay Alvarez, ipinatawag sila ni Pimentel ng Pangulo para talakayin ito lalo at nakabinbin ito sa kongreso.
Una nang sinabi ng Pangulo na minamadali na niya ang pagkakapasa ng BBL bago matapos ang taon na kanyang ipinangako sa Moro Islamic Liberation Front (MILF).
Nabatid ding makikipag-usap ang Pangulo kay Moro National Liberation Front (MNLF) Chairman Nur Misuari ukol dito.
Facebook Comments