USAPANG PANGKAPAYAPAAN | P-Duterte, positibo sa pagkakaroon ng ‘better environment’ ang bansa

Manila, Philippines – Buo ang kumpiyansa ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagkakaroon ng ‘better environment’ ang bansa sa susunod na taon.

Ito ay kasunod ng patuloy na pagsuko ng mga miyembro ng rebeldeng komunista.

Ayon kay Duterte, lubos niyang tatanggapin ang sinumang rebeldeng susuko sa pamahalaan maging ang kanilang armas.


Patunay aniya ito na humihina na ang pwersa ng mga komunista.

Tiniyak din ng punong ehekutibo na tatapusin nila ang problema ng New People’s Army (NPA) na siyang dahilan ng extortion at iba pang kalupitan sa ilang komunidad sa bansa.

Una nang iginiit ng Malacañang na nais ng Pangulo sa kapayapaan pero ang communist rebels ang sumisira nito o ‘spoilers of peace’.

Facebook Comments