USAPANG PANGKAPAYAPAAN | Pangulong Duterte, determinadong wakasan ang matagal ng rebelyon sa bansa – Presidential Adviser on Peace Process Jesus Dureza

Manila, Philippines – Determinado si Pangulong Rodrigo Duterte na tapusin ang lagpas-dekadang rebelyon sa bansa.

Ayon kay Presidential Adviser on the Peace Process Secretary Jesus Dureza, bahagi ng personal na adbokasiya ni Pangulong Duterte ang pagpapatuloy ang usapang pangkapayapaan sa mga rebeldeng grupo.

Nais aniya ng Pangulo na magkaroong ng pangmatagalang kapayapaan sa bansa.


Sabi ni Dureza, dahil nagmumula ang Pangulo sa Davao, direkta niyang nakaka-ugnayan ang New People’s Army (NPA).

Gusto ng Punong Ehekutibo ang na maresolba ang pinaka-ugat ng problema.

Facebook Comments