USAPANG PANGKAPAYAPAAN | Pangulong Duterte, hinikayat na manatiling bukas sa peace talks at huwag makinig kay Secretary Lorenzana

Manila, Philippines – Hinimok ni Anakpawis PL Rep. Ariel Casilao si Pangulong Duterte na huwag makinig kay Defense Secretary Delfin Lorenzana matapos sabihing hindi niya irerekomenda ang pagre-resume ng negosasyon sa Communist Party of the Philippines (CPP), New People’s Army (NPA), National Democratic Front of the Philippines (NDFP).

Apela ni Casilao sa Pangulo, huwag pagsarahan ng pinto ang posibilidad ng pagbabalik ng peace talks sa rebeldeng komunista.

Panghihikayat pa ng kongresista, maraming kasunduan ang naisara na ng gobyerno at rebeldeng komunista na naging gabay pa sa mga sumunod na negosasyon.


Ayon sa kongresista, napakakitid ng isip ni Lorenzana para hindi irekomenda ang pagpapatuloy ng peace talks at iniisip lamang na ang pagbaba ng armas ng mga rebelde ang susi para magtagumpay ang peace talks.

Hindi aniya mangyayari ito kung hindi kikilalanin ng gobyerno ang mga ugat ng pagrerebelde tulad ng kawalan ng lupa, kahirapan at kawalan ng hustisya.

Facebook Comments