Manila, Philippines – Hinimok ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga miyembro ng Maute Group na lumabas na at makipag-usap sa gobyerno.
Sa kaniyang talumpati sa Marawi City, sinabi ng Pangulo, walang mapapala ang sinuman sa pakikipagbakbakan dahil wala namang talagang nananalo sa giyera.
Aminado naman si Duterte na ang pagdedeklara ng martial law sa Mindanao ang pinakamasakit na desisyong kanyang nagawa.
Aniya, kailangan niyang ideklara ang batas militar dahil mayroon syang mandatong protektahan ang bansa.
Umapela rin ang Pangulo sa Maute Group na hayaan ang gobyerno na tuluyang buuin muli ang Marawi City.
Facebook Comments