USAPANG PANGKAPAYAPAAN | Pangulong Duterte, minamadali na ang BBL para matupad na ang pangako sa mga Moro

Manila, Philippines – Inamin ni Pangulong Rodrigo Duterte na minamadali na ng kanyang administrasyon ang pagbuo o pagsasabatas ng Bangsamoro Basic Law o BBL na kanyang pangako sa mga Moro.

Ayon kay Pangulong Duterte, ngayong linggo ay magiging abala siya sa pakikipagusap sa mga leaders ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at kakausapin din aniya niya si Moro National Liberation Front founding Chairman Nur Misuari para talakayin ang BBL para magkaroon na ng tunay at pangmatagalang kapayapaan sa rehiyon.

Sinabi ng Pangulo na tiniyak na rin niya sa mga leaders ng MILF na matutupad ang ipinangakong timeline sa pagkakaroon ng BBL.


Kakausapin din aniya niya sina House Speaker Pantaleon Alvarez at Senate President Koko Pimentel para sa pagsasabatas ng BBL na isa sa prayoridad ngayon ng kanyang pamahalaan.

Samantala, tiniyak din ni Pangulong Duterte na kahit pa inihinto na niya ang usapang pangkapayapaan sa mga komunistang grupo ay ipagpapatuloy din naman ng Pamahalaan ang land Reform Program.

Facebook Comments