USAPANG PANGKAPAYAPAAN | Pangulong Duterte, nagbantang papatayin si CPP Founder Jose Maria Sison kapag muling pumalpak

Manila, Philippines – Muling iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi niya ipapaaresto si Communist Party of the Philippine Founder Joma Sison kapag umuwi ito ng Pilipinas.

Ayon sa Pangulo, paninidigan niya ang kanyang salitang hindi pag-aresto kay Sison kahit pa mabigo ang usapang pangkapayapaan.

Aniya, pagkatapos ng dalawang buwan at walang magandang mangyari sa negosasyon ay malayang makakaalis ng bansa si Sison.


Pero huwag na huwag na aniyang susubukan ni Sision na bumalik pa ng bansa dahil papatayin niya ito.

Una nang pumayag si Sison na umuwi ng bansa sa kondisyong mayroong significant development sa peace negotiations at magiging kontento ang kanyang mga abogado sa legal at security precautions.

Facebook Comments