![CPP-NPA](https://i0.wp.com/rmn.ph/wp-content/uploads/2018/04/CPP-NPA.jpg?resize=696%2C347&ssl=1)
Manila, Philippines – Wala pang balak si Pangulong Rodrigo Duterte na bawiin ang proklamasyon na nagdedeklarang terorista ang Communist Party of the Philippines -New Peoples Army (CPP-NPA).
Ayon sa Pangulo, hindi pa ito ang panahon para bawiin ng kautusan.
Aniya, ayaw niyang makipag-away sa mga komunista at bilang isang empleyado ng gobyerno, kailangan niyang maghanap ng paraan para makamit ang kapayapaan sa bansa.
Muling ring sinabi ng Pangulo na kailangan ni CPP-NPA Founding Chairman Jose Maria Sison ang umuwi ng Pilipinas.
Facebook Comments