USAPANG PANGKAPAYAPAAN | Peace talks sa komunistang grupo dapat gawin nalang sa bansa ayon sa AFP

Manila, Philippines – Makabubuting sa Pilipinas nalang gawin ang usapang pangkapayaan sa pagitan ng pamahalaan at National Democratic Front of the Philippines (NDFP).

Sinabi ito ni Armed Forces of the Philippines Chief of Staff Carlito Galvez sa harap ng pagsusulong ng gobyerno na maibalik ang peace talks.

Opinyon ng opisyal na ang sigalot sa bansa ay dapat pinag-uusapan rin sa sariling bansa.


Pero wala naman aniyang problema kung may third party o may tagapamagitan sa paguusap ng dalawang panig.

Ayaw naman magkomento ng opisyal sa kanilang ginagawang pagtugis sa mga NDF consultants na nakalaya sa ginawang peace talks nang nakalipas na taon kabilang na rito ang mag-asawang Benito at Wilma Tiamzon.

Facebook Comments