Manila, Philippines – Aarangkada muli ang usapang pangkapayapaan sa pagitan ng gobyerno ng Pilipinas at National Democratic Front of the Philippines (NDFP) sa Oslo, Norway.
Nakatakda ang peace negotiations sa June 28 hanggang 30 kung saan tatlong kasunduan ang nakatakdang pirmahan ng dalawang partido.
Kabilang sa lalagdaan ay ang kasunduan tungkol sa ceasefire at ang agrarian reform.
Bumuo na rin ang preparatory committee para bigyang daan ang pag-uwi ni Communist Party of the Philippines (CPP) Founder Jose Maria Sison sa Pilipinas.
Isinasapinal na rin ang draft para sa amnesty proclamation para sa lahat ng mga rebelde na inaasahang lalagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Facebook Comments