Usapang pangkapayapaan sa pagitan ng Vice President at rebeldeng grupo, hindi magiging lehitimo

Inihayag ni Senator Christopher “Bong” Go na hindi magiging lehitimo ang gagawing peace negotiation sa pagitan ni Vice President Leni Robredo at ng mga komunistang rebelde.

Ipinunto ni Go na sakaling magkasundo ang magkabilang panig ay sino ang susunod sa kanilang mapagkakasunduan.

Diin ni Go, tanging ang Commander-in-Chief ang may karapatang makipag-negosasyon sa komunistang grupo.


Una nang nagpahayag ng kahandaan si Robredo na makipag-usap sa rebeldeng grupo.

Matatandaan na kinansela na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang usapang pangkapayapaan sa pagitan ng pamahalaan at rebeldeng grupo dahil sa kawalan ng sinseridad ng grupo kung saan patuloy sa pag-atake ang mga ito sa mga tropa ng gobyerno.

Facebook Comments