USAPANG PANGKAPAYAPAAN | Senador Panfilo Lacson, hinimok ang pamahalaan na bumuo ng ibang istratehiya ukol sa peace talks nito sa CPP-NDFP

Manila, Philippines – Hinimok ni Senador Panfilo Lacson ang pamahalaan na bumuo ng ibang estratehiya hinggil sa usapang pangkapayapaan sa pagitan ng Communist Party of the Philippines (CPP) National Democratic Front of the Philippines (NDFP).

Ayon kay Lacson, magandang suriin ang kasaysayan para malaman ang tunay na ugat ng problema sa pag-uusap at kung saan nabibigo ang magkabilang panig.

Aniya, nagiging umiikot lang kasi sa proseso ang peace talk.


Pagkatapos kasi aniyang mag-usap ay magkakaroon ng mga paglabag, na susundan ng sisihan at turuan, bago muling magkakaroon ng pag-uusap.

Facebook Comments