Manila, Philippines – Ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang dalawang buwang timelime para sa usapang pangkapayapaan ng gobyerno sa mga rebeldeng komunista.
Ayon sa Pangulo, handa niyang sagutin ang gastos ng peace process partikular ang lodging ng negotiating panel ng rebeldeng grupo lalo na kay Communist Party of the Philippines (CPP) Founder Jose Maria Sison kung sa Pilipinas ito gagawin.
Papayagan din ng Pangulo ang mga CPP consultant na makibahagi muli ng peace talks pero nagbabala siyang ipapaaresto ang mga ito kung pumalpak muli ang negosasyon.
Una nang naglatag ng mga kondisyon ang Pangulo para sa pagpapatuloy ng peace talks kabilang na ang absolute ceasefire.
Facebook Comments