USAPANG PULITIKA | Willie Revillame, wala pa daw desisyon kung tatakbo sa elections; Ogie Alcasid, walang planong maging isang pulitiko

Manila, Philippines – “Pinag-aaralan ko pa ang sitwasyon”…

Ito ang sinabi Wowowin host na si Willie Revillame nang tanungin kung tatakbo ba ito sa 2019 midterm elections.

Say pa ni kuya Will, wala pa naman siyang final decisions sa nasabing usapin kung saan maraming personalidad ang kumukumbinsi sa kanyang tumakbo dahil tiyak naman daw siyang mananalo.


Nabatid kasi na noong nakaraang July 30 ay nakipagpulong si Kuya Will kay Davao City Mayor Sara Duterte sa Quezon City Hall kaya lalong lumakas ang haka-hakang tatakbo siya sa eleksyon.

Ayon sa mga balita, posibleng tumakbo si Willie bilang mayor ng Quezon City at kung sakali, makakalaban niya ang kasalukuyang bise alkalde na si Joy Belmonte.

Samantala, todo-iling naman ang singer/host na si Ogie Alcasid nang tanungin kung papasok ba siya sa pulitika.

Say ni “Ogie The Pogi”, mas masaya na daw siya sa pagiging host at singer at never daw siyang tatakbo bilang isang pulitiko.

Hindi rin daw papayag ang kaniyang misis na si Regine Velasquez kaya at itigil na daw ang pagtatanong kung sasabak ba siya sa darating na eleksyon.

Facebook Comments