Saturday, February 21, 2026

Usapin ng 2028 National Election inililihis ang isyu sa anomalya sa flood control

Nanawagan ang Task Force Kasanag International (TFK) na huwag ilihis ang isyu o kalimutan ang usapin ng korapsyon sa flood control projects sa bansa.

Ito’y kasunod ng mga maagang paglalabas ng mga kandidatura ng ilang opisyal ng pamahalaan sa darating na eleksyon sa 2028 bukod pa ang isyu sa West Philippine Sea.

Ayon John Chiong ang Pangulo at Founder ng TFK, hindi dapat ma-divert ang atensyon ng publiko sa West Philippine Sea, at iba pang usaping pulitikal habang wala pang malinaw na resolusyon sa mga alegasyon ng flood control scam.

Aminado rin ito na nababagalan sila sa usad ng kasong isinampa noong 2022 laban kina Zaldy Co, Eric Yap, Edwin Gardiola, DPWH Secretary Manuel Bonoan, at ilang opisyal ng DPWH.

Kung kaya hinimok niya ang Commission on Audit (COA) na magbigay ng update kung kailan magkakaroon ng resolusyon sa nasabing mga kaso.

Kabilang naman sa tinakay ng grupo sa pressconference ang Ethics Complaint na isinampa laban kay House Committee on Public Works Chairperson at Surigao del Sur 1st District Representative Romeo Salazar Momo Sr.

Facebook Comments