Usapin ng lobby money sa hindi pagkakalusot sa Commission on Appointments ni Gina Lopez sa DENR, nilinaw ng Malakanyang

Manila, Philippines – Kumambyosi Pangulong Rodrigo Duterte sa sinabi niyang “lobby money talks” kaya’t hindinakalusot sa Commission on appointments si dating DENR Sec. Gina Lopez.
 
Ayon kay PresidentialSpokesman Ernesto Abella, ipinaliwanag ni Pangulong Duterte sa kanilang cabinetmeeting na hindi pera ang tinutukoy nito kundi impluwensya.
 
 
Matatandaang hindinagustuhan ng ilang miyembro ng C-A tulad ni Sen. Panfilo Lacson ang mgakatagang “lobby money talks” ni Pangulong Duterte hinggil sa pagkaka-reject kayLopez.
 
Ito ang naging dahilankung bakit pursigido sina Occidental Mindoro Rep. Josephine Sato at Lacson naimbestigahan kung talagang may perang umikot sa C-A.
 
Sabi naman ni Abella,hindi ito hahadlangan ng Malakanyang kung sakaling ituloy pa rin angimbestigasyon.
  
Sinabi naman ni Lacson nangayong nilinaw na ng pangulo ang kanyang pahayag oras na para mag-move on.
 
Pero nanindigan pa rinsi Lacson sa kanyang boto at humingi ng tawad dahil kailangan niyang ipaliwanagang dahilan kung bakit bumoto siya laban kay Lopez.
 

Facebook Comments