Usapin ng loyalty check sa pulisya at militar, tinuldukan na ni PBBM

 

Tinuldukan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang usapin na may nangyayaring loyalty check sa pulisya at militar.

Sa ambush interview sa Malacañang, kinuwestyon ng pangulo kung ano ang mga napapaulat na loyalty check at mariing itinanggi na may nangyayaring ganito sa pagitan niya ng mga militar.

Ayon pa sa pangulo, nananatiling matatag ang Pilipinas sa kabila ng mga ingay at iba’t ibang isyung pampulitika at lalong maayos na gumagana ang pamahalaan.


Matatandaang kamakailan lamang ay nagbanta si Vice President Sara Duterte na ipapapatay ang pangulo kasabay ng kaliwa’t kanang mga pagpuna sa kanyang liderato.

Kasunod nito ay umugong na ang mga usapin ng posibleng kudeta matapos hikayatin ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang militar na gumawa ng aksyon laban sa umano’y fractured o wasak na gobyerno, na sinabayan pa ng kilos-protesta sa EDSA shrine ng Duterte supporters.

Facebook Comments