Lilinawin ng Department of Justice (DOJ) sa hukuman ang usapin ng mga pagbabago sa mga proseso sa criminal justice system.
Ayon kay Justice Sec. Jesus Crispin Remulla, sa kanyang pagkakaalam ay hindi pa maari ang zoom flatform sa uspin ng pagsasagawa ng preliminary investigation at iba pang criminal process sa kaso ni Cong. Arnolfo Teves Jr.
Naniniwala ang kalihim na may mga proseso na kailangang mai-adjust sa mga susunod na panahon sa usapin ng criminal.
Una nang inihayag ni Remulla na malaking kaluwagan sa kanila ang kusang paghahain ng waiver mula sa panig ng mga Teves para masilip ang bank records nito.
Nanindigan naman si Remulla na mula sa mga sinumpaang salaysay na hawak ng DOJ ay matibay ang mga ebidensya na magdidiin sa kongresista sa Degamo killing.