Hindi napaguuusapan sa hanay ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang planong pagdedeklara ng Martial Law ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa banta ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Ayon kay AFP Spokesperson Brigadier General Edgard Areval,o nakadepende sa desisyon ng Pangulo at pag-aproba ng Senado at Kongreso ang pagdedeklara ng Martial Law ngayong nasa health crisis ang bansa.
Sa ngayon aniya ay itinutuon muna ng AFP ang kanilang atensyon sa pagtulong sa gobyerno na mapigil ang pagkalat ng COVID-19 pandemic.
Kasabay rin ng pagtugis sa communist terrorist group at mga local terrorist group na Abu Sayyaf Group at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) na patuloy na umaatake sa tropa ng pamahalaan kahit nasa krisis ang bansa.