Usapin sa EndO, mas dapat tutukan ng Duterte administration sa halip ng war on drugs

Manila, Philippines – Mas dapat tutukan ng Duterte administration ang usapin sa EndO kaysa sa idineklara nitong war on drugs.

Ayon kay Akbayan Rep. Tom Villarin, dapat maintindihan ni Pangulong Rodrigo Duterte na “mas malaking isyu ang kahirapan at kawalan ng trabaho” kaysa sa giyera kontra iligal na droga.

Dahil dito dapat aniyang gawing prayoridad ng Pangulo ang house bill no. 341 na magbibigay sa lahat ng manggagawang pilipino ng seguridad sa trabaho nang naaayon sa batas.


Giit pa ni Villarin, batay sa opisyal na datos ng National Economic Development Authority noong Enero – tumaas ang unemployment rate sa 6.6 percent, kumpara sa 5.7 percent na naitala noong 2016.

Nagkasundo rin aniya ang halos lahat ng mga grupong manggagawa na hindi sapat ang paglalabas ng Department of Labor and Employment ng Department Order no. 174 dahil pinahihintulutan pa rin ng kautusan na aito ang kontraktuwalisasyon.

DZXL558

Facebook Comments