Usapin sa human rights at peace process sa Mindanao, pag-uusapan din sa bansa ng DFA at ng Swiss Foreign minister

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na kabilang sa tatalakayin nina DFA Sec. Enrique Manalo at Swiss Foreign Minister Ignazio Cassis ang usapin sa karapatang pantao at peace process sa Mindanao.

Bukod ito sa multilateral, regional at global issues na tatalakayin ng dalawang opisyal gayundi ang usapin sa climate change.

Sa isang araw na pagbisita sa Pilipinas ng Swiss foreign diplomat, haharap din ito sa iba pang matataas na opisyal ng bansa.


Ito ang unang pagbisita sa Pilipinas ng foreign minister ng Switzerland mula noong 2008.

Tinatayang 15,000 Pilipino ang naninirahan ngayon sa Switzerland, habang 4,000 na Swiss naman ang nasa Pilipinas sa ngayon.

Facebook Comments