Nagsanib pwersa ang provincial government ng La Union at Department of Trade and Industry o DTI upang talakayin ang ilang usapin sa isyu ng pricing sa probinsya.
Naglalayon ang isinagawang talakayan na ito na ma-address ang price concerns at masiguro ang fair pricing sa probinsya.
Kasama sa pagpupulong ang mga key stakeholders na may kinalaman sa price coordination tulad ng representatives mula sa provincial government, DTI-La Union, DOH-RO I, DA-RO I, DOJ-RPO I, LTO, PAFC-La Union at Assosasyon iti Manggalap ken Mannalon.
Ang mga naimbitahang mga ahensya ay nagbahagi ng kanilang mga insights at mga programang makatutulong sa pagkakaroon ng probinsya ng price regulation at fair pricing sa pamamagitan ng mga programang mag-eensure sa fair-trade practices sa livestock industry.
Nagbahagi rin ang Department of Health – Regional Office I ukol sa Electronic Drug Price Monitoring System kung saan nagbibigay-daan ito para sa pagsubaybay at pagpaparegister ng mga outlet ng gamot, tinitiyak ang transparency at pananagutan sa pagpepresyo ng mga gamot.
Muli rin ipinaalala ang kahalagahan ng proteksyon ng consumer at pagbibigay diin sa pinaka layunin na magbigay sa mga mamimili ng mas maraming pagpipilian sa makatwirang presyo. |ifmnews
Facebook Comments