Palalakasin pa ang alyansa ng Pilipinas at Amerika, ito ang napagkasunduan nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., at United States President Joe Biden.
Matapos ang kanilang isinagawang bilateral meeting sa Washington D.C United States of America.
Sa joint statement ng dalawang lider, binigyang diin ng mga ito na magsasagawa pa nang mas maraming partnership upang mapalakas ang Alyansa.
Sa isyu sa Security Cooperation, kapwa natuwa ang dalawang lider dahil sa panibagong sites o lugar sa ilalim nang US-Philippines Enhanced Defense Cooperation Agreement o EDCA.
Habang sa usapin nang humanitarian aid, tiniyak ni President Biden na palalakasin ang US investment para sa lokal na komunidad sa Pilipinas na makakatulong upang mas maging mabilis na pagbibigay ng humanitarian assistance at disaster relief.
Kapwa rin nagbigay ng commitment ang dalawang lider para sa freedom of navigation at overflight sa South China Sea, maging commitment para pagrespesto sa sovereign rights ng estado na nakapaloob sa Exclusive Economic Zones na nakabase pa rin sa International Law.
Sinusuportahan din ng dalawang lider ang karapatan at abilidad ng mga mangingisdang Pilipino para makapaghanap-buhay.
Binigyan diin ng dalawang lider ang ruling ng 2016 arbitral tribunal batay na rin san United Nations Convention on the Law of the Sea o UNCLOS.
Naniniwala rin ang dalawang lider na mahalagang mapanatili ang peace at stability sa Taiwan strait na kanilang inilarawan ay mahalagang elemento ng global security at prosperity.
Nagpahayag din ang dalawang lider ng suporta sa Ukraine para sa soberanya, kalayaan at territorial integrity nito.