Usapin sa seguridad at terorismo, inaasahang tatalakayin sa pulong nina PRRD at Mike Pompeo

Manila, Philippines – Seguridad at terorismo.

Ito ang inaasahang tatalakayin sa pulong sa pagitan nina Pangulong Rodrigo Duterte at U.S. Secretary of State Michael Pompeo.

Nakatakdang bumisita sa bansa si Pompeo sa bansa sa loob ng dalawang araw simula bukas, February 28 at March 1.


Manggagaling si Pompeo sa Vietnam kung saan ginaganap ang second summit ni U.S. President Donald Trump at North Korean Leader Kim Jong Un.

Ayon kay President Spokesperson Salvador Panelo – ang meeting ni Pompeo kay Pangulong Duterte ay magiging “mutually beneficial” sa dalawang bansa.

Ang pagbisita ni Pompeo ay kasunod ng anunsyo ni Pangulong Duterte na bumili ng military equipment mula Israel at South Korea.

Facebook Comments