Usapin sa West Philippine Sea at Hague arbitral ruling, planong isama ng DepEd sa K-12 curriculum

Plano ng Department of Education o DepEd na ituro sa mga mag-aaral sa Grade 10 ang West Philippine Sea at ang Hague arbitral ruling.

Isasama ang mga aralin hinggil sa “mga isla ng West Philippine Sea” sa ilalim ng territorial issues at border conflicts ng panukalang K-12 curriculum.

Habang ang lecture tungkol sa naging ruling ng Permanent Court of Arbitration sa The Hague, Netherlands ay nakasailalim naman sa “mga pagtugon sa mga hamon pang-ekonomiya.”


Sa mga nasabing aralin, inaasahang susuriin ng mga estudyante ang mga batas at polisiya na may kaugnayan sa globalization at ang mga hamon at isyung dulot nito.

Kung maisusulong ang bagong K-12 curriculum, ito ang kauna-unahang pagkakataon na ire-require ang pagtuturo sa mga nasabing usapin.

Bukod dito, ipinanukala rin ng DepEd ang pagtuturo ng sexual and reproductive health sa mga mag-aaral ng Grade 4.

Facebook Comments