Usapin sa WPS at pagpapalakas ng AFP at PCG, bubuksan din ni PBBM sa state visit sa Amerika

Sasamantalahin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang pagkakataon para buksan ang mga usaping may kinalaman sa Pilipinas at muling isulong ang interest ng mga Pilipino sa kaniyang state visit sa Amerika bukas.

Sa pre-departure briefing sa Malacañang, sinabi ni Foreign Affairs Asec. Raquel Solano, na bukod sa pagtalakay sa 20% reciprocal tariff na ipinataw ng Amerika sa Pilipinas, inaasahan ding talakayin ang mga development o mga nangyayari sa West Philippine Sea (WPS).

Umaasa aniya ang pamahalaan na sa state visit na ito, muling makapag-secure ang Pilipinas ng suporta mula sa US, para mapaigting pa ang kakayahan at kagamitan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at ng Philippine Coast Guard (PCG).

Samantala, hindi naman magkakaroon ng pagkakataonna makipagkita ang pangulo sa Filipino community sa Amerika dahil sa maikling oras.

Si Pangulong Marcos, nakatakdang umalis ng bansa bukas, July 20, at magtatagal sa Amerika hangang July 22.

Facebook Comments