Usaping budget, tinalakay sa sectoral meeting sa Malacañang

Ipinatawag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa Malacañang, ang ilang mga gabinete ng bansa para sa sectoral meeting ngayong araw.

Sa pulong na kasalukuyan pang ginaganap ngayon, naging sentro ng talakayan ang budget, partikular ang outlook ng spending performance ng pondo ng pamahalaan, at ang magiging sitwasyon ng deficit ng bansa.

Kasama sa pulong sina:
• Finance Secretary Benjamin Diokno
• DPWH Sec. Manuel Bonoan
• Health Sec. Teodoro Herbosa
• DSWD Sec. Rex Gatchalian
• DOTR Sec. Jaime Bautista
• DOLE Sec. Bienvenido Laguesma
• DICT Sec. Ivan John Uy


Samantala, inaantabayanan naman natin ang gagawing press briefing pagkatapos ng sectoral meeting kung saan ilalahad ng cabinet secretaries kung ano tinalakay at direktiba sa kanila ni Pangulong Marcos.

Facebook Comments