Posibleng hindi na tapusin ng urban search and rescue (USAR) team ng Philippine Contingent ang 2 linggong misyon nila sa Türkiye.
Ayon kay Office of Civil Defense (OCD) spokesperson Assistant Secretary Bernardo Rafaelito Alejandro IV naghihintay na lamang kasi ang ating USAR team ng abiso mula sa Turkish government bago sila pauwiin sa Pilipinas.
Aniya, tapos na kasi ang search and rescue operations na isinasagawa ng Philippine contigent sa 2 probinsya sa Türkiye na labis na naapektuhan ng magnitude 7.8 na lindol.
Bagamat mauunang bumalik ang ating USAR team ay maiiwan ang Philippine Emergency Medical Assistance Team sa Türkiye at tatapusin ang 2 linggo nilang misyon doon.
Sa pinakahuling datos, nasa higit 500 pasyente na ang naasistehan ng ating Emergency Medical Assistance Team sa Türkiye.