USEC. BAGGAO, PAPANGUNAHAN ANG SIMC

Cauayan City – Itinalaga sa Southern Isabela Medical Center (SIMC) si Department of Health Undersecretary Glenn Mathew G. Baggao bilang Medical Center Chief II, habang nananatili rin sa kanyang tungkulin bilang undersecretary.

Kanyang ipinahayag ang mga plano para sa pag-unlad ng SIMC, kabilang ang pagpapalakas ng human resources, serbisyong medikal, at imprastruktura.

Isa sa pangunahing layunin ni Baggao ay ang pagtatatag ng Heart and Lung Specialty Center sa SIMC, na inaasahang magiging pangunahing referral hospital para sa mga komplikadong kaso sa puso at baga sa buong Cagayan Valley at mga karatig-probinsiya.

Bukod dito, isinulong din niya ang regularisasyon ng mga Contract of Service (COS) personnel upang mapabuti ang seguridad sa trabaho at moral ng mga kawani.

Facebook Comments