
Hihintayin pa ni Palace Press Officer at Undersecretary Atty. Claire Castro ang summons kaugnay ng kasong libelo na isinampa laban sa kanya ni Congressman Leandro Leviste.
Ayon kay Castro, wala sa kanyang plano na pumunta sa Balayan, Batangas, at mas pinili niyang personal na tanggapin ang summons at kopya ng reklamo mula sa sheriff.
Hindi pa aniya niya natatanggap ang reklamo at posible ring hindi pa ito nai-raffle kung saang sangay ng korte ihahain ang kaso.
Ang isinampang reklamo ni Leviste ay isang civil libel suit na nagkakahalaga ng ₱110 milyon.
Nilinaw rin ni Castro na wala siyang natatanggap na payo mula sa Pangulo kaugnay ng naturang kaso.
Personal aniyang usaping legal ito at walang kinalaman sa kanyang tungkulin bilang Palace Press Officer.










