Usec. Castro, magpapa-blotter matapos makatanggap ng death threat dahil sa Chucky doll remark kay VP Sara

Magpapa-blotter si Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro matapos umano siyang makatanggap ng banta sa buhay mula sa isang DDS lawyer.

Ayon kay Castro, bukod sa pagbabanta ay minura pa siya ng nasabing abogado sa pamamagitan ng social media.

Sa kanyang vlog, ibinahagi ni Castro na sinabi umano ng abogado na kapag wala na siya sa puwesto bilang Palace Press Officer ay saka siya aatakihin, pahayag na itinuturing niyang seryosong banta sa kanyang buhay.

Giit ni Castro, malinaw na may banta ng pananakit ang naturang pahayag at hindi ito dapat balewalain.

Dahil dito, nakatakda niyang iparating ang insidente kay Acting PNP Chief Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. at pormal na ipapa-blotter ang kaso.

Ayon pa kay Castro, maaari rin umanong magsilbing batayan para sa disbarment ng nasabing abogado ang naturang pahayag.

Facebook Comments