Usec. Claire Castro, iginiit na may basbas ni PBBM ang kaniyang mga pahayag sa publiko

Nilinaw ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro na bahagi ng kaniyang mandato ang magsalita laban sa fake news, at may basbas ito ng Pangulo.

Ayon kay Castro, hindi lamang siya isang karaniwang tagapagsalita.

Tungkulin ng kaniyang opisina na igiit ang tama at ituwid ang maling impormasyong kumakalat sa social media at iba’t ibang plataporma.

Giit niya, kung hindi sila magsasalita ay maliligaw ang publiko—isang bagay na hindi umano nila papayagan.

Kinumpirma rin ni Castro na nagkakausap sila ng Pangulo hinggil sa mga isyung dapat tugunan, ngunit hindi niya maaaring ilantad ang detalye ng kanilang pag-uusap.

Dagdag niya, anumang maling impormasyong kumakalat ay kailangang agad na sagutin, gaya ng mabilis na pagtugon sa mga pahayag ni Senator Imee Marcos at sa viral na video ni Zaldy Co.

Facebook Comments